ARTICLE

MOWMOW Ng TANYA MARKOVA Direktang Naapektuhan Ng YOLANDA


Hindi nakaligtas sa hagupit ng super typhoon Yolanda ang ilan nating kasamahan sa Pinoy music industry.

Isa na dito ang miyembro ng Tanya Markova na si Philipp Jetie Alejandro, o mas kilala sa pangalang Mowmow.

Nagkwento ang OPM artist tungkol sa kanyang sinapit noong manalasa ang super typhoon sa kanyang hometown na Tanauan, Leyte.

"Yung bahay namin doon... na-phase out, parang nawalis; as in wala talaga," paglalahad ni Mowmow.

Ang good news ay wala namang napahamak na kamag-anak niya dahil sa bagyo.

"Pero, thank you lang ako kay Lord. Wala naman nasawi or nasaktan sa pamilya namin," pagbabalita niya.

I-click ang aming MYXph exclusive video sa ibaba.


Turn naman ni Mowmow tumulong sa ibang Yolanda survivors nang tumugtog ang Tanya Markova sa "Music Comes Alive for Visayas".

Silipin ang aming MYXph.com exclusive photos mula sa event dito.

Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS