ARTICLE

20 Years Na Sila Mga Tsong! PAROKYA NI EDGAR Launches "Bente"!


Ngayong 2013 ay ipinagdiriwang ng OPM band na Parokya Ni Edgar ang kanilang 20th year dito sa industriya!

Bilang celebration ay ni-launch nila ang kanilang 20th year album na "Bente."

"It's a collection of all of our singles through the years plus two new songs and a short documentary on the history of Parokya Ni Edgar," sabi ng gitarista na si Gab. Kabilang din sa "Bente" ang kanilang first ever gig noong naging front act sila para sa Eraserheads.

Kagabi sa ginanap na launch nito ay dumalo ang long-time supporters ng banda na simula umaga pa lang ay tiniis na ang mahabang pila sa venue. Bukod sa nakabili sila ng "Bente" ay nakatulong din sila dahil bahagi ng album sales kahapon ay ibibigay sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi nga ng front man na si Chito Miranda, "Normally 6 to 7 songs lang kami. Pero tsong, 20 years na kami! Sa lahat ng hindi nang-iwan sa ere, maraming salamat sa inyo!" Kaya naman masayang naki-jam ang lahat ng fans sa paborito nilang PNE songs.

Dumating din para maki-celebrate ang dating miyembro ng banda na si Vinci, na ikinatuwa ng mga fans nang pinerform nila ang "Picha Pie" at "The Yes Yes Show."

Nagbigay din ng mensahe ang banda para sa lahat ng hindi nagsasawang magbigay ng suporta para sa kanila.

"Maraming, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Sana hindi kayo magsawa. We're so very thankful na andyan kayo para samin. Hindi lang para sa amin kundi para rin sa lahat ng OPM acts."

Available na ang "Bente" sa lahat ng leading record bars nationwide.

Congratulations sa inyong 20th year, Parokya Ni Edgar!

Anong pinaka-paborito niyong kanta ng Parokya Ni Edgar? Share niyo sa amin by leaving a comment below!

Comments

X

  • xsir

    posted 3 years ago

    Ang pinaka favorite song ko from Parokya Ni Edgar ay yung Pangarap Lang Kita at Para sayo.... At Kuya Chito baka naman po pwede nyo ko batiin sa December 16, 16th birthday ko po kasi nun.. I Love You PNE! More powers to you guys!!

  • Sashimikibuta

    posted 3 years ago

    Nakalimutan ko I love you mr Chito miranda idol talaga kita. Nag seselos na ang bf ko sa pag idolize ko sayo! at sa lahat ng bumubuo ng PNE band. Thumbs up po kami sa inyo!!!!!

  • Sashimikibuta

    posted 3 years ago

    Congratulations sa mga idol ko mahal na mahal ko ang mga songs niyo lalo na ang Harana!i i wish talaga another 20 yrs pa kayo kasi ang galing galing niyo!!! Ang banda na paborito ng lahat! Hindi kami mag sasawa na makinig sa mga kanta. Lahat gusto namin rock, love song basta kanta niyo sarap pakinggan! The best ang parokya ni edgar!!!

  • paralejasfc

    posted 3 years ago

    HALAGA, PARA SAYO AND YOUR SONG ? Happy Bente PNE! Walang Iwanan =)

  • cdadarna

    posted 3 years ago

    Solid mga tsong!! *^_____^*

PHOTOS

VIDEOS