ARTICLE

JULIE ANNE SAN JOSE, Nagpa-salamat sa ASAP!


Si Julie Anne San Jose, na mainstay ng Sunday All-Stars, ipinaabot ang kanyang pasasalamat sa ASAP Platinum Circle Awards.  Ang kanyang self-titled debut album ay nagkamit ng 6x Platinum award na nagpapatunay na ito ay nakabenta ng halos 200,000 copies û isang malaking achievement sa panahon ng Internet, downloading at piracy. Natanggap nya ngayon ang plaque mula sa show na ipinalabas noong December 1 sa ASAP 18. 

Pinost ni Julie ang photo na natanggap nya na ang award from ASAP ngayon sa kanyang Instagram account (@MyJaps) at nagpasalamat sya para dito: 

Got it! Thank you again @ASAPOFFICIAL for the recognition. :)

Inaalay naman nya ito sa kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya at sa kanyang music:

What a feeling...I'm deeply touched and surprised! I couldn't thank you enough, sa pagmamahal at suporta ninyong walang humpay. Mabuhay kayong lahat, Adiks.

Kasalukyan ay 8x Platinum na ang kanyang album na isine-celebrate nya ngayon kasama ang trending topic na #MyJaps8xPlatinumAward sa Twitter.

Ang ASAP at ang Sunday All-Stars ay magkatapat ang timeslot sa 2 pinakamalalaking networks. Ngunit musikang Pilipino ang bida ngayon at nagkaisa ang dalawang show para sa makabuluhang kontribusyon ng mga musicians and artists sa music industry. Ang ASAP Platinum Circle awards ay kumikilala sa mga musikerong nakalikom ng sapat na sales para makapasok sa Gold and Platinum status. Ilan sa mga nabigyan din ng parangal ay ang Callalily, Gary Valenciano, Jennylyn Mercado, at Rocksteddy para sa 24K Gold Awards at sina Sarah Geronimo, Bea Binene, Daniel Padilla at Angeline Quinto at Bamboo.

Congratulations, Julie! Hanggang sa iyong susunod na multi-platinum album!

Comments

X

  • JeLaii

    posted 3 years ago

    Congrats Ate Japs :) <3

  • KentFranciss1D

    posted 3 years ago

    Congrats JAPS <3

  • Sabenicio

    posted 3 years ago

    Such a humble talented lady. :)Congrats Idol!

  • bataluna_marvin90@yahoo.com

    posted 3 years ago

    congrata julie

  • akosiphat

    posted 3 years ago

    Congrats Julien Ann San Jose :) Kunti nalang Diamon na. yheppeee ;)

PHOTOS

VIDEOS