ARTICLE

CHRISTIAN BAUTISTA Nakipag-Jamming Sa Mga Utol Para Sa YOLANDA Survivors!


Isang buwan na ang nakalipas mula nang salantain ang ating mga kababayan sa Visayas ng super typhoon Yolanda.

At upang makatulong sa pagbangon ng ating mga kapamilya ngayong pasko, nag-record si Asiansation Christian Bautista ng isang Christmas song!

Sa tulong ng kanyang mga kapatid na sina Jordan at Joshua, ni-record ng OPM star ang kantang "Paskong Pilipino", at ginawang available ito for digital download.


Ang kikitain ng single ay mapupunta sa World Vision PH na siya namang magpapa-abot ng tulong sa mga Yolanda survivors.

Panoorin ang music video nito sa ibaba.


I-download LEGALLY ang "Paskong Pilipino". Pumunta lamang sa www.opm2go.com kung nais mong makatulong.

I-click din ang aming MYXph.com exclusive video na naglalaman ng mensahe ni Christian para sa mga kababayang apektado ng bagyo.


Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS