ARTICLE

JESSICA SANCHEZ Pinasaya Ang Filipino Blujays Sa Exclusive Fan-Meet Party!


Noong November 30 ay dumating sa Pilipinas ang American Idol season 11 runner-up na si Jessica Sanchez.

Pinangunahan ng Filipino-American singer ang isang charity work kung saan nagbigay siya ng mga hearing aids para sa ating mga kababayan sa General Santos City, Lipa, Batangas at Manila, sa tulong ng Starkey Hearing Foundation.

Kahapon, matapos ang nasabing series of charity work ay sinigurado ni Jessica na makakasama niya ang kanyang Pinoy fans sa kanyang pagbisita dito sa Pilipinas.

Mahigit 100 Blujays ang dumalo sa kanyang exclusive fan-meet party kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magtanong, magpa-autograph at makapagpa-picture sa kanilang idolo.



Inannounce din ni Jessica sa kanyang mga fans na babalik siya dito sa Pilipinas sa huling linggo ng December upang mag-perform sa isang New Year show.

Narito ang ilang highlights ng pagbisita ng international singer sa bansa mula sa kanyang  Instagram account:


Sa kanyang pag-alis ng bansa ay ipinadala niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang Pinoy Blujays para sa kanilang walang sawang suporta via Twitter.


Maaari niyo rin tingnan ang aming photos sa fan-meet party by clicking here.

Thank you, Jessica Sanchez!

Filipino Blujays! Anong masasabi niyo dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS