ARTICLE

RED HOT CHILI PEPPERS Pupunta Sa Pinas!


Magiging "dream come true" para sa fans ng Red Hot Chili Peppers ang isang outdoor music festival na gaganapin next year!

In-announce na ng organizers ng 7107 International Music Festival ang kanilang line up, at headliner dito ang American rock band.

Confirmed na din ito ng banda sa kanilang Twitter page.


Makakasama nila ang iba pang Pinoy at international acts tulad ng Red Jumpsuit Apparatus, Up Dharma Down, Empire of the Sun at Radioactive Sago Project.

Ang two-day event ay mangyayari sa February 22-23, 2014 sa Clark, Pampanga (Spur Road, Global Gateway Logistics City area).

Simula ngayong araw ay available na ang mga tickets na may discounted early bird rates.

At marami pang ire-reveal na performers sa mga susunod na araw.

Bahagi ng kikitain ng event ay mapupunta sa mga Yolanda survivors.

Puntahan lang ang official 7107 International Music Festival website para sa karagdagang information.

Excited ba kayo sa paparating na music event na ito? Mag-post ng inyong comments sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS