ARTICLE

LINKIN PARK Tutulong Sa Philippine Typhoon Relief!


It's Linkin Park's turn to reach out to the Philippines.

In-announce ng banda sa kanilang official Facebook page na magkakaroon sila ng concert sa L.A. para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Sasamahan sila ng California-based band na The Offspring, at iba pang special guests next month para sa "Concert for the Philippines".

Gaganapin ito sa January 11, 2014 sa Club Nokia sa Los Angeles, California.


Bisitahin ang www.musicforrelief.org for more details.

Maaalalang bumisita na sa bansa ang banda noong August 13 lamang para sa kanilang "Living Things World Tour".

Silipin ang aming MYXph.com exclusive photos mula sa concert dito.

Hindi ito ang unang beses na may outreach project ang Grammy award-winning group. Noong 2010, nagpa-abot din sila ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Haiti sa pamamagitan ng kita nila sa song downloads. Noong 2011 naman, muli silang naghandog ng awit para naman sa mga biktima ng Tsunami sa Japan.

Mag-post ng inyong comments sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS