ARTICLE

SLAPSHOCK Nag-Release Ng Kanta Para Sa Yolanda Survivors


Marami pa rin ang nangangailangan ng tulong matapos ang hagupit ng bagyong Yolanda. 

Tuloy pa rin ang pagkakaisa nating mga Pilipino para maiabot ang anumang tulong na kaya nating ibigay.

Ang OPM band na Slapshock, naglabas ng charity single na pinamagatang "Unshakable" para sa mga kababayan natin sa Visayas.

"We're all devastated," sabi ng band front man na si Jamir Garcia. "We just couldn't believe what we were seeing and we had to do something. We make music that reaches a lot of people, so we made "Unshakable" to do that same thing. It's a song for all of us, for strength and to help heal the heart," sabi pa niya.

Pakinggan ang "Unshakable" by clicking the video below:


Ang buong proceeds ng "Unshakable" ay mapupunta sa #HelpPH campaign at sa Philippine Disaster Recovery Foundation para sa mga typhoon Yolanda survivors.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa www.help.ph.

Mag-iwan ng inyong comments sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS