ARTICLE

OPM Rapper Gusto Ng Cellphone Na May Ref Ngayong Pasko?!?


Ang pasko ay mabilis na paparating.

Panahon ito ng bigayan ng gifts; maliit man o malaki, mahal man o mura, it's the thought that counts 'ika nga.

Isa-isang tinatanong ng MYXph.com ang inyong paboritong mga OPM artists kung ano ang gusto nilang matanggap na regalo this Christmas.

Lord patawad, pero mukhang hindi pa naiimbento ang gusto nitong si Bassilyo!


Gusto ba naman niya ng cellphone na may ref!

Alam naman natin na marami nang silbi ang ating mga mobile phones higit pa sa mga basic functions niyang pantawag at pang-text.

Ngunit mukhang wala pa yatang phone company ang may kakayahang maglagay ng refrigerator sa gadgets nila.

Pero malay mo nga naman ano? Sino ba ang mag-aakala dati na malalagyan ng camera, radyo or TV ang isang cellphone.

Alamin ang iba pang naka-lista sa wish list ni Bassilyo sa aming MYXph.com exclusive interview sa ibaba.


Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS