ARTICLE

Balikan Natin Ang Mga Naging MYX Celebrity VJs For 2013!


Nalalapit na ang ka-Paskuhan at malapit na rin tayong magpaalam sa 2013!

Pero bago yan, balikan muna natin ang patapos nang taon at ang mga nakasama natin bilang MYX Celebrity VJs na nag-takeover sa inyong mga favorite MYX shows!

January - Piolo Pascual


Buena mano ng 2013 si Papa P. bilang MYX Celebrity VJ!

Binuksan ni Piolo Pascual ang taon at pinakilig lahat ng MYX viewers sa kanyang di matatangging kagwapuhan! 

February - Yeng Constantino


Ang Pop-Rock Princess na si Yeng Constantino naman ang nakasama natin noong love month!

"My goal is to look at things in view of love, all the time," sabi ni Yeng sa kanyang MYX Celebrity VJ plug.

Panuorin yan by clicking the video below:


March - Gloc-9


Sinamahan din tayo ng rapper na mabilis mag-rap na si Gloc-9 buong buwan ng Marso!

At dahil graduation month ang March, tinanong namin si Gloc-9 kung ano ba ang kanyang hindi malilimutang alaala noong graduation niya!

Panuorin yan sa video namin sa ibaba:


April - Barbie Forteza


Summer na para sa mga tweens kaya naman ang tween star na si Barbie Forteza ang sumalo ng MYX Celebrity VJ duties!

Panuorin ang kanyang MYX Celebrity VJ plug by clicking the video below!


May - Abra


Hatid naman ni Abra ang summer feel at good vibes noong buwan ng Mayo sa kanyang first time bilang MYX Celebrity VJ! 

Gusto niyo ba na makita muli bilang "MC VJ" si Abra sa 2014?


June - Alden Richards


Pampagana sa balik-eskwela ang dala ni Alden Richards noong June!

For sure, noon ay excited kayong umuwi ng school dahil si Alden ang nakakapagtanggal ng stress niyo from school works!

Panuorin ang kanyang MYX Celebrity VJ plug by clicking the video below:

WARNING: CUTENESS OVERLOAD!


July - Bamboo


Nakasama rin natin ang isa sa The Voice of the Philippines coaches na si Bamboo for a month bilang MYX Celebrity VJ!

First time daw ito ng OPM rock icon at ayon sa kanya ay sobrang na-enjoy niya ang experience!

Naaalala niyo ba yung lalaking nag-audition para makabilang sa Team Bamboo? Click niyo yung video below!


August - Sarah Geronimo


Sinundan naman si Bamboo ng kanyang kapwa-coach sa The Voice of the Philippines! Walang iba kundi ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo!

Noong August ay nakita rin natin ang Part 2 ng audition nung "lalaking naka-jacket na blue"! Na-miss niyo ba yun?

Panoorin yan sa video below!


September - apl.de.ap


From world class performer to another! Nakasama rin natin ang Pinoy international star na si apl.de.ap from the Black Eyed Peas!

Inaliw tayo ni Coach apl sa kanyang mga pakulo tulad ng kanyang cooking show sa Pinoy MYX! Hindi rin siya nag-iisa sa kanyang MYX Celebrity VJ stint dahil sinamahan siya ng members ng Team apl ng The Voice of the Philippines!

Ito rin ang naging last phase ng audition ng "lalaking naka-blue na jacket"!

Panoorin yan by clicking the video below:


October - Carla Abellana


Ang napakaganda at talented na si Carla Abellana, naging bisita rin natin for a month bilang MYX Celebrity VJ!

Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Lally na mula sa sikat na sikat na TV series na "My Husband's Lover"? Ano kaya ang masasabi nina Vincent at Erik dito?

November - Martin Nievera


The Concert King was present last month to grace your favorite MYX shows!

Hindi lang nag-celebrate ng 30th year si Martin Nievera ngayong 2013 dahil nakasama rin natin siya bilang MYX Celebrity VJ! 

Na-enjoy niyo ba ang kanyang one-month stint?

December - Tom Rodriguez and Dennis Trillo (TOMDEN)


Syempre, hindi makakapayag sina Erik at Vincent na si Lally lang ang makaka-experience maging MYX Celebrity VJ!

Ang isa sa pinaka-mainit na loveteam ngayong 2013 na TOMDEN ang tatapos sa ating listahan ng 2013 MYX Celebrity VJs!

Kaya make sure na nakatutok kayo palagi sa MYX channel on cable para araw-araw niyong mapanuod sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo ngayong December!

Panuorin ang kanilang MYX Celebrity VJ plug sa ibaba:


Kaninong MYX Celebrity VJ stint ang pinaka-naenjoy niyo ngayong 2013?

Sino naman ang gusto niyong makita as MYX Celebrity VJ sa 2014? Leave your comments below!

Comments

X

  • Smtmscute

    posted 3 years ago

    aaahhh.... =(((((
    tapos nang mag-vj's ang TOMDEN =((( lungot q na waaahhhh


    ps: myx sna i-guest nyo ulit cla pra mging vj's
    pleassseeeee T_T

  • IamNsmh

    posted 3 years ago

    ABRA! \m/

  • akosimangtomas

    posted 3 years ago

    aaahhh.... =(((((
    tapos nang mag-vj's ang TOMDEN =((( lungot q na waaahhhh


    ps: myx sna i-guest nyo ulit cla pra mging vj's
    pleassseeeee T_T

PHOTOS

VIDEOS