ARTICLE

YENG CONSTANTINO Ibinahagi Ang Kanyang Dream Acting Role!

Photo from Yeng Constantino's Instagram account.

Naging successful ang acting debut ng Pop-Rock Princess na si Yeng Constantino nang gumanap siya bilang isang call center agent sa pelikulang "Shift" na kabilang sa Cinema One Originals 2013.

Dahil dyan, tinanong namin si Yeng kung anong role ba ang gusto niyang gampanan kung magkakaroon siya ng chance.

"Gusto kong maging kargador!" sabi ng singer sa aming MYXclusive interview. Na-imagine din agad ni Yeng ang kwento ng gagampanan niyang kargador. "Parang batang babae tapos namatay yung dad niya, tapos naging breadwinner siya. Nakakaiyak siguro yun," sabi ni Yeng.

Pero hindi lang isa, kundi dalawa ang gustong ma-try na role ni Yeng! Pwede rin daw siyang maging barker ng jeep!

I-click ang video namin sa ibaba at panuorin ang sample ni Yeng ng pagiging isang barker!


Anong masasabi niyo dito, Yengsters?

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • shirleyreyes

    posted 2 years ago

    Ang cute talaga ni ate Yeng!!! Sana magkaroon ka po ng MMK episode...papanoorin ko yan!

  • abbiging

    posted 2 years ago

    Multi tasking kaya yan Si Ms. YENG :) pwede sa lahat, kaya feeling ko this year mapapasabak yan sa maraming acting role :) oha. Manghuhula lang ang peg ko :) chos . Pero may potential po sya sa pag acting :D

  • abbiging

    posted 2 years ago

    Kering keri ni idol yeng yan ?? natural kaya umacting si ms. Yeng :) nanotice ko lang po sa first movie nyang shift . Parang hind first time :)

PHOTOS

VIDEOS