ARTICLE

Meron o Walang Problema Ang Pinoy Music? SITTI Answers!


Over the weekend, inilabas namin dito sa MYXph.com ang opinion ng musician na si Rez Toledo tungkol sa current state ng industriya.

Ayon kay Rez, hindi na raw dapat tawagin na "OPM" ang ating local music. "Ano yung problema with local music? You will see that awareness is part of it. The masses are only aware of what's being fed to them," sabi niya.

Nagbunga ito ng halu-halong opinyon mula sa music fans. Dahil dito, tinanong din namin ang ilang local artists kung sa tingin ba nila ay may problema o wala ang Pinoy music.

Kabilang sa natanong namin ay ang tinaguriang Philippines' Queen of Bossa Nova na si Sitti. Para sa kanya, walang problema ang OPM pagdating sa produksyon nito. "I suppose may problema sa distribution, sa general appreciation of it," sabi ng singer.

Naniniwala raw si Sitti na maraming Pinoy songwriters ang nag-iipon lamang ng kanilang mga materyal. "Sasabog yan one time. It's just really something na we are all excited for... OPM, it will never die."

Panuorin ang buong interview namin with Sitti by clicking the video below:


Ano ang opinion o reaction niyo tungkol dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS