ARTICLE

ANGELINE QUINTO Sinalubong Ang 2014 With A Brand New Album!


Isang malaking simula para sa 2014 ang pag-release ni Angeline Quinto ng kanyang pinaka-bagong album na "Higher Love"!

Ayon kay Angeline, ang album niyang ito ay "Nagsasabi ng kwento talaga ng buhay pag-ibig ko simula umpisa hanggang dulo." 

Alam daw ni Angeline na makaka-relate ang bawat isang bibili ng kanyang album sa mga kanta dito dahil siguradong napagdaanan din ito ng mga taong umibig at umiibig.
 

Kabilang sa third album na ito ni Angeline ang revivals niya ng "Babalik Kang Muli" ni Regine Velasquez, "Hanggang Kailan Kita Mamahalin" na theme song ng upcoming ABS-CBN teleserye na "The Legal Wife," at ang kanyang kauna-unahang original composition na "Sana2x."

Available na ang "Higher Love" sa lahat ng leading record bars nationwide!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS