ARTICLE

DANIEL PADILLA Babalik Muli Sa Big Dome Para Sa Isang Major Concert!


Ang tinaguriang "Teen King" na si Daniel Padilla ay magkakaron muli ng concert sa Araneta Coliseum!

Matatandaang napuno ni DJ ang Big Dome noong April 30, 2013 sa kanyang birthday concert na pinuntahan ng kanyang mga kaibigan, pamilya, at mga loyal fans.

Sa parehong araw ngayong taon, April 30, 2014, ay magaganap muli ang isa na namang major concert para kay Daniel Padilla! Kaya ngayon pa lang, maghanda na kayong bumili ng tickets dahil siguradong mabilis magkaka-ubusan ito!

Ayon sa Facebook page ng Star Records, bukas, February 1 daw magsisimula ang ticket selling para sa nasabing concert. Para sa inquiries, tumawag lamang sa Ticketnet at 911-5555.

Daniel Padilla fans! Excited na ba kayo para dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS