ARTICLE

A MUSIC THEORY Nagbalik Sa Red Horse Pambansang Muziklaban Stage!


Isang taon matapos itanghal na grand champions noong 2012 Red Horse Pambansang Muziklaban ay nagbabalik this year ang A Music Theory!

"It was one hell of a fun ride!" sabi ng banda nang tanungin sila kung kamusta ang experience nila matapos manalo sa Muziklaban. Solid daw ang mga natanggap nilang opportunites at masaya silang makabalik this year hindi bilang contestant kundi bilang performers.

"Sobrang saya to play alongside the veteran bands," sabi nila.

Bukod sa mga performances ng ilan sa inyong favorite bands ay malalaman na rin natin ngayong gabi kung sino ang tatanghalin na grand winner ng 2013 Red Horse Pambansang Muziklaban!

Ano pa hinihintay mo? Mahaba pa ang gabi kaya takbo na dito sa World Trade Center at makipagrakrakan kasama ang tropa!

Kung problemado ka dahil hindi ka makakapunta sa World Trade Center, wag ka mag-alala dahil pwede mo naman panuorin ang livestream ng 2013 Red Horse Pambansang Muziklaban!

Click below!


Mag-iwan ng inyong komento sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS