ARTICLE

Ama Ni REGINE VELASQUEZ Pumanaw Na

Photo from Regine Velasquez' Instagram account.

Isang malungkot na balita ang lumabas ngayong araw sa pagpanaw ng ama ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Noong 2013 ay napabalitang na-ospital si Mang Gerry ng higit isang buwan. Sumailalim din siya sa isang surgery noong 2012.

Nagpadala ang ilang kaibigan ng singer ng kanilang pakikiramay sa social networking na Twitter.









Nag-post din si Regine sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng kanyang ama (photo above) at nagpasalamat sa lahat ng nagdasal para kay Mang Gerry.

"The leader of the band, Mang Gerry, joined his creator 1:39pm today. Thank you for praying for him during all these time that he has been fighting for his life. God bless you all."

Nakikiramay ang buong MYX family sa pagpanaw ni Gerardo "Mang Gerry" Velasquez.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS