ARTICLE

SPONGE COLA "Ultrablessed" Sa Kanilang Bagong Album!


Worth it ang paghihintay ng Sponge Cola fans para sa bagong album ng kanilang paboritong OPM band!

Ni-launch na nga nina Yael, Armo, Gosh at Ted Mark ang latest album nilang "Ultrablessed"! "It's a great feeling for us!" sabi ni Yael sa aming MYXclusive interview.

Bukod sa CD ay may kasama rin itong DVD ng kanilang first major concert na "Maximum Capacities." Kwento ni Yael, "This was supposed to happen noong November, tapos na-move to January dahil itong DVD (Maximum Capacities) hindi natapos agad."

Nagkaroon daw sila ng mas maraming time para mag-prepare sa nasabing album. "We're just really happy na nalabas na namin finally and na maririnig na ng mga tao yung mga songs na pinaghirapan namin," sabi pa ni Yael.

Panuorin ang video sa ibaba kung saan ikwinento ng Sponge Cola kung ano ang mae-expect ng kanilang fans sa bago nilang album:


Available na ang "Ultrablessed" sa lahat ng leading record bars nationwide!

Ano ang pinaka-paborito niyong Sponge Cola song? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • becaykim03

    posted 2 years ago

    congrats! :))))))))))

PHOTOS

VIDEOS