ARTICLE

Pinay Na Si DAISY VALENZUELA Nakalampas Sa Blind Auditions Ng "The Voice of Ireland"!


Isa na namang Pinoy talent ang nakapasok sa battle rounds ng "The Voice of Ireland"!

Sinubukan ng Pilipina na si Daisy Valenzuela ang kanyang kapalaran sa nasabing singing competition nang kantahin niya ang "Teenage Dream" ni Katy Perry.

Last few seconds na lamang ng kanta nang umikot para sa kanya ang judge na si Jamelia.

Sabi ni Jamelia sa performance ni Daisy, "I don't think it was a perfect performance but I genuinely believe that your voice, there was something about your voice. I had to turn around. It's unique. I love the fact the you started in that falsetto. I love the fact that you can belt... It wasn't a perfect performance but that's what I'm here for. I'm very excited to work with you."

Panoorin ang blind audition ni Daisy Valenzuela by clicking the video below:


Ilang linggo lang ang nakakalipas nang makalampas din sa blind auditons ng "The Voice of Ireland" ang 41-year-old Pinoy na si Rowell Villones.

Good luck, Daisy Valenzuela!

Ipadala na ang inyong good-luck wishes para kay Daisy by leaving your comments below!

Comments

X

  • Eloiza Valenzuela

    posted 2 years ago

    Congratulations!!!!!! Itayo mo ang bandera ng Pilipinas at ng mga Valenzuela. so proud of her. :-)

PHOTOS

VIDEOS