ARTICLE

NOEL CABANGON Tinupad Ang Requests Ng Fans Sa Bagong Album!


Bago matapos ang 2013 ay tinanong ni Noel Cabangon ang kanyang mga fans on Facebook kung ano ba ang gusto nilang marinig sa kanyang bagong album.

Mula sa libu-libong requests, 12 OPM classics ang napili ni Noel para sa bago niyang handog na "Acoustic Noel"!

Bukod sa OPM classics ay mayroon din itong dalawang original compositions niya na "Nag-iisa, Wala Ka Na" at "Awit Ng Bahaghari."

Nang tanungin namin si Noel kung bakit napag-desisyunan niyang tuparin ang requests ng kanyang fans para sa album na ito, sabi niya, "Everytime I perform, yung mga live performances ko, people give their requests. So naisip ko, why not ask for requests from the people sa Facebook. Surprisingly, overwhelming yung response. It was really a good idea to ask them."

Panoorin ang interview namin kay Noel Cabangon by clicking the video below:


Available na ang "Acoustic Noel" under Universal Records sa lahat ng leading record bars nationwide!

Tracklist:

1. Nandito Ako
2. Pagdating Ng Panahon
3. Himala
4. Araw Gabi
5. Harana
6. Awit Ng Bahaghari
7. Makita Kang Muli
8. Tuyo Na'ng Damdamin
9. Bilanggo
10. Itanong Mo Sa Mga Bata
11. Huwag Mo Nang Itanong
12. Nag-Iisa, Wala Ka Na

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS