ARTICLE

Arvin "TADO" Jimenez Pumanaw Sa Isang Aksidente


Lubos na ikinalungkot ng pamilya at mga kasama sa industriya ang biglang pagpanaw ni Arvin "Tado" Jimenez sa isang bus accident sa Mt. Province.

Ang bus ay nahulog sa 500 talampakang bangin na ikinasawi ng 14 na katao kabilang ang mga Canadian at Dutch nationals. 31 ang sugatan.

Isa rin sa nasawi ay ang musikerong si David Sicam, na mula sa bandang Kinaiya. Kasama ni Sicam ang kanyang pamilya para sa isang bakasyon sa Kalinga. Isinugod sa ospital ang kanyang asawa na kasama rin na nakaligtas ng kanyang dalawang anak.

Si Tado ay naging kilala bilang isang karakter sa palabas na "Strangebrew" kasama nila Ramon Bautista, Angel Rivero at Jun Sabayton ng direktor na si RA Rivera. Isa siyang komedyante, tumakbo konsehal ng Marikina, at isa sa mga nagtaguyod ng Dakila Collective -- isang non-government organization. Siya din ay naging DJ sa show na "Brewrats".

Naging bahagi rin si Tado ng ilang programa sa ABS-CBN kabilang na ang sitcom na "OK Fine Whatever" at ang noontime show na "Masayang Tanghali Bayan."

Nakapaglabas din ang komedyante ng kanyang libro noong 2011 na "Nag-Iisa Lang Ako" at "All About Myself, Not Yours: Bio-Euology ni Tado Jimenez."

Patungo si Tado sa Bontoc para sana sa kanyang proyektong "Life Begins At The Mountains."

Ang buong MYX family ay nakikiramay sa pamilya ni Tado, at ng lahat ng pumanaw sa aksidenteng ito.

Comments

X

  • clyde_mae94@yahoo.com

    posted 2 years ago

    Sabi ni Stargazer, may mamatay na komedyante dahil sa isang aksidente. Well madami ng nagkakatotoo sa mga predictions niya. #R.I.P.TADO

  • faint0404

    posted 2 years ago

    R.I.P. TADO

PHOTOS

VIDEOS