ARTICLE

AIZA SEGUERRA, Engaged Na Sa Kanyang Girlfriend!

Photo by @iamtonico via Instagram

Mabuhay ang tunay na pag-ibig! Nag-propose si Aiza Seguerra sa kanyang girlfriend na si Liza Dino sa habang nagtatanghal sa Teatro Hermogenes Ylagan Faculty Center sa UP Diliman noong February 7. Ibinahagi ni Toni Co (@iamtonico), isa sa mga malapit na kaibigan ng couple, sa Instagram ang mga pangyayari sa proposal.

Si Liza ay binigyan ni Aiza ng isang diamond studded sapphire ring. Makikita sa mga litrato at Instavideo pareho silang naiiyak dahil sa surpresa. Bago pa sagutin ang matamis na "Oo", malambing munang hinampas ni Liza si Aiza. Natuwa naman ang kanilang mga kaibigan, pamilya, at mga tagahanga at ipinaabot ang kanilang pagbati sa Twitter at Instagram nila. 


Bukas na ipinapahayag ni Aiza ang kaniyang pagmamahal kay Liza sa kanyang mga social networking sites sa Twitter at Instagram mula nang maging official na couple nung 2013. Ito ang naging unang same-sex relationship ni Liza at ayon sa isang interview at tunay napamahal sya kay Aiza, kahit isa siyang kapwa babae.



Wala pang mga detalye tungkol sa kasal at iba pang plano nila Aiza at Liza, na tinatawag din collectively bilang ZaZa, pero tiyak na nakaabang ang mga tagahanga nila at mga sumusuporta para sa susunod na kwento ng kanilang pag-iibigan.



Congratulations Aiza and Liza! Send your greetings to the couple by commenting below!

Comments

X

  • Roz-onedirection-nen

    posted 2 years ago

    selca

  • Roz-onedirection-nen

    posted 2 years ago

    -_-

  • kaedie_eunyoo

    posted 2 years ago

    kung wala kang masabing hindi maganda at kung hindi ka masaya for them then just keep it to yourself please kasi kahit joke hindi parin nakakatawa

  • Roz-onedirection-nen

    posted 2 years ago

    haha joke lang

  • Roz-onedirection-nen

    posted 2 years ago

    :D

PHOTOS

VIDEOS