ARTICLE

KARYLLE Ikakasal Na Kay YAEL YUZON Sa March!


Isa na namang masayang balita! Ang host and performer na si Karylle, ibinahagi ang kanyang nalalapit na pagpapakasal kay Sponge Cola vocalist, Yael Yuzon sa susunod na buwan sa isang special na segment sa "Showtime" ngayong February 8, 2014. Emosyonal na ibinahagi ni Karylle ang balita sa show kung saan naglatag pa ng red carpet na may rose petals at may naka-set up na isang string orchestra sa set. 

Naghanda ng isang speech si Karylle at isa-isang pinasalamatan ang mga kasama sa noontime show. Ibinahagi din nya na halos sabay na dumating ang "Showtime" at si Yael sa buhay nya 3 years ago. 

"Not a lot of people know, some three and a half years ago, a new chapter in my life started -- the happiest and most exciting one yet. I started as a hurado here in 'Showtime' and I became part of the 'Showtime' family at kakambal po nito, dumating si Yael sa buhay ko,"

Kasama sa mga wishes para sa kanilang dalawa, nag-alay din ang mga co-hosts nya ng isang harana habang ipinalalabas ang mga litrato nila ni Yael sa screen. Binigyan din siya ng red and black lingerie bilang advanced wedding gift! Nagbigay rin ng mensahe si Billy Crawford para sa kanilang dalawa:

"We are so happy and so excited for your new chapter with Yael as one," said Crawfrod. "We are so proud and so happy na dalaga ka na and we will be there to support you. Yael, humanda ka ah. Yael, wag na wag kang magkakamali. Kami ang bahala sa iyo."

Ang mga fans nila Karylle at Yael ay natuwa sa announcement at nag-trending sila sa Twitter ngayong hapon! Wala pang mga planong idinitalye tungkol sa kanilang kasal pero excited na ang mga tao para sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib! Panoorin ang buong segment mula sa ABS-CBNnews.com DITO.


Congratulations Karylle and Yael! Mabuhay ang tunay na pag-ibig! Send your greetings by commenting below!

Comments

X

  • clyde_mae94@yahoo.com

    posted 2 years ago

    Congrats Yael and Ate K. Bagay kayo because your hearts are the same cause you both love music. Kung baga match. Best Wishes. Keep ? ? ?

  • Lame_Love Mae

    posted 2 years ago

    Congrats Ate Karylle and Kuya Yael. :) Best Wishes. :)

  • xCharmCandyx

    posted 2 years ago

    Nice to hear this! Congratulations to Karylle & Yael! Hope you two will have a happy marriage! :)

  • pjdaquino19

    posted 2 years ago

    Nice! Congrats po. We're so happy for the both of you guys. :D Keep on loving each other. <3

PHOTOS

VIDEOS