ARTICLE

JOLINA MAGDANGAL Nanganak Na!

Jolina Magdangal kasama ang asawa niya na si Mark Escueta ng Rivermaya. From Mark Escueta's Instagram account.

"Today was the most amazing day."

Iyan ang unang tweet ng Rivermaya member na si Mark Escueta nang manganak ang kanyang asawa na si Jolina Magdangal kahapon, February 18.


Pinost din ni Mark ang unang litrato ng kanilang anak na si Baby Pele Iñigo sa kanyang Instagram account:


"Eto ang unang sunrise mo, anak. Pramis, marami pa tayong makikitang mas maganda diyan, kasama si Mama. Thank you muna tayo kay Papa Jesus at dahil sa kanya, safe ikaw at si Mama. Mamaya, sama ka sa akin, bili natin si Mama ng flowers ha? #PeleSerye"

Simula pa lamang ng Pebrero ngayong taon ay inaabangan na ng mag-asawa ang paglabas ng kanilang unang anak sa pamamagitan ng kanilang countdown at hashtag na #PeleSerye.

Congratulations sa inyo, Mark and Jolina!

Sa unang litrato ni Baby Pele, sino ang mas kamukha niya? Si Papa Mark o si Mama Jolina? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS