ARTICLE

Send Off Concert Ni RACHELLE ANN GO Bukas Na!


Few days bago siya lumipad papuntang London ay magpe-perform muna si Rachelle Ann Go for the last time sa harap ng kanyang Pinoy fans sa pamamagitan ng kanyang send off concert na "Miss Rachelle."

Bukod sa send off concert ay ipinagdiriwang din ni Rachelle Ann ang kanyang 10th year sa industry. Ayon sa kanya, "Makakasama ko rin dito sa concert siyempre yung mga taong malapit sa buhay ko and yung mga naging part talaga ng journey ko dito sa industry."

Her guests include Christian Bautista, Mark Bautista, Erik Santos and Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Pinaghandaan daw nila ng kanyang mga guests ang kanilang mga production number kaya dapat itong abangan ng kanyang mga fans.

Panuorin ang full interview namin with Rachelle Ann by clicking the video below:


"Miss Rachelle: The Send Off Concert" is happening tomorrow, February 22 at the Meralco Theater!

Sa huling linggo ng Pebrero ay lilipad na si Rachelle Ann papuntang London para sa West End revival ng "Miss Saigon" kung saan gaganapan niya ang role na Gigi.

Sa Marso magsisimula ang rehearsals at sa Mayo naman magbubukas ang West End revival.

Isang taon mahigit mawawala si Rachelle Ann sa Pilipinas kaya naman siguradong mami-miss siya ng kanyang mga Pinoy fans. 

Pero nangako naman ang singer na patuloy siyang magpo-post sa kanyang social media accounts para ma-update niya tayo sa kanyang London adventures!

Good luck, Rachelle Ann!

Send your messages to Rachelle Ann Go by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS