ARTICLE

Inspirational Album Ni GARY VALENCIANO Na "With You" Available Na!


Ngayong 2014 ay ipinagdiriwang ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang kanyang 30th year sa industriya. 30 years na rin siyang nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang musika.

Sa kanyang bagong album na "With You," handog ni Gary V. ang sampung bagong awitin kabilang ang "Kapit Pinoy," "Para Sa'yo Ama," "In You," ang carrier single na "He's Enough" kung saan kasama niya ang grupong A.K.A. Jam na nagmula sa X-Factor Philippines.

Nakatrabaho ni Mr. Pure Energy sa nasabing album ang ilan sa mga magagaling na songwriters sa Pilipinas tulad nina Ray An Fuentes, Rex Verzosa, Jungee Marcelo at Jonathan Manalo.

Sa kantang "With You" naman ay naka-duet niya ang kanyang anak na si Kiana. Ang "With You" ay na-compose ni Gary V. para sa kasal ng kanyang panganay na anak na si Paolo Valenciano noong February 2013.

Bilang celebration ng kanyang 30th year sa industry ay magkakaroon si Gary V. ng isang major concert na pinamagatang "ARISE Gary V 3.0"! Magaganap ito sa April 11 at 12 sa Araneta Coliseum.

Available na ang "With You" under Universal Records sa lahat ng leading record bars nationwide!

Tracklist:

1. He's Enough with A.K.A. Jam
2. With You with Kiana Valenciano
3. Kapit Pinoy
4. No Mount Too High
5. Ngiti with Young JV
6. Saytay
7. Para Sa'yo Ama
8. The Answer
9. Come To Jesus
10. In You

Ano ang all-time favorite Gary V. song mo? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS