ARTICLE

Lumabas Na Ang "Ultrasound" Ni LOONIE!


Malaki ang nagagawa ng musika para sa bawat isa sa atin. Ang pakikinig dito ay nakakaepekto sa emosyon ng mga tao, especially sa ating mga Pilipino. Ito ay mabisang paraan upang makalimot sa mga problema, masabi ang mga nararamdaman o makapaglabas ng sama ng loob na hindi talaga kayang idaan sa simpleng usapan lamang.  At ang isa sa pinakasikat na uri ng pagkanta ngayon ay ang pag-rap. 

Isa sa nakatutuwang paraan na marahil ay alam na ng mga nakararami sa atin ay ang Flip Top, kung saan isa sa mga sumikat ay si Loonie.

Pagkatapos ng mahabang paghihintay, na-release na ni Loonie ang kanyang ikatlong album na pinamagatang "Ultrasound."

Na-interview ng MYXPh ang nasabing rapper. Alamin ang storya ng kanyang album dito!

Kamusta ang feeling ngayong na-release mo na ang album mo?

"Masaya ako siyempre kasi matagal ko nang gustong i-release yung album kasi nagkakaron ng tendency na pag hindi narerelease yung mga album na ginagawa ko, creatively, parang nagkakaron ako ng standstill. So ngayong nakalabas na siya, nandito na ulit ako sa stage na gumagawa na ulit ako ng mga bagong kanta. Para sakin doon ako pinaka excited -- gumawa ng bagong material. Kaya sobrang saya ko na naka-release na ito."

Ano ba yung mga naging preparation mo para mabuo itong "Ultrasound"?

"Actually ni-record ko ito in two weeks. Itong album na ito. Dalawa sa mga kanta dito luma na. Yung "Bago Ang Lahat" saka "Tao Lang." Supoosed to be released na siya nung 2010 pero  at that time the label that I was under, nagsara, so hindi siya natuloy. So this time masaya ko na nahanap ako ng MCA, binigyan nila ko ng chance na i-release tong album na 'to. At dinagdagan ko ng 6 new songs."

Bakit "Ultrasound" yung napili mong title para sa album mo?

“Kaya siya “Ultrasound” kasi meron pa kong isang album na dadating, ito yung preview niya. Ang title ng album na yun is "I am Normal" at mula nung simula kasi ang concept ng mga album ko nakadikit palagi sa conception, sa mga babies. Yung first album ko ang pamagat nun "The Ones Who Never made It" Ang album cover naman nun, ay mga fetus na nasa jar. Tapos yung album na 'yun hindi siya lumabas commercially or mainstream, so parang metaphor yun na ito yung mga baby na hindi pinanganak. So pwede niyong mapakinggan yung album na yun online."

Panoorin ang buong interview ng MYXPh kay Loonie dito! 


Para makita ang iba pang mga pictures ni Loonie, click HERE!

Nakikinig ka ba sa Flip Top? Anong masasabi niyo dito? Leave your comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS