ARTICLE

VHONG NAVARRO Bumalik Na Sa "It's Showtime"!

Photo from Jugs Jugueta's Instagram account.

Mahigit isang buwan nating hindi nakita ang actor/host na si Vhong Navarro sa noontime show na "It's Showtime." Ito ay matapos ang naganap na pambubugbog sa kanya noong January 22.

Pero kanina ay natapos na ang matagal na paghihintay ng madlang people nang muli nilang makita si Vhong sa "Showtime" na itinuturing niyang "bahay."

Aminado si Vhong na hindi pa rin nawawala ang kanyang takot dulot ng insidente na kinasangkutan niya at hindi rin daw niya alam kung kaya ba niyang makabalik sa kanyang pagiging masayahin.

"Na-miss ko po kayong lahat madlang people," sabi ni Vhong na naging emosyonal sa kanyang pagbabalik. "Gustong-gusto ko magpasalamat sa inyo ng personal dahil patuloy kayong sumusuporta sa akin... Yun po ang dahilan kaya gustong-gusto ko na magtrabaho... Gustong-gusto ko magpasaya ng tao," sabi pa niya.

Na-miss niyo ba ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa "It's Showtime" kanina? Panoorin ito sa video sa ibaba!


Panoorin din ang mensahe ng kanyang "It's Showtime" co-hosts na sina Billy Crawford, Ryan Bang at Anne Curtis:


At syempre, dahil na-miss siya ng madlang people sa "It's Showtime" stage, heto at nagbigay din siya ng sample!


Simula sa Lunes ay araw-araw na muli nating makikita si Vhong Navarro sa "It's Showtime"!

Welcome back, Vhong!

May mensahe ba kayo para kay Vhong? Ipadala yan sa kanya by leaving a comment below!

Comments

X

  • Logan!!!

    posted 2 years ago

    Corny pa rin ang showtime.

  • LatteAlison

    posted 2 years ago

    I love you kuis vhong! waah!! your back!

PHOTOS

VIDEOS