ARTICLE

Grupong TRES MARIAS Nag-release Na Ng Album!

 

Ang grupong 'Tres Marias' ay binubuo ng tatlong bigating mang-aawit na sina Bayang Barrios, Lolita Carbon at Cooky Chua. Sila ay marahil kilala ng nakararami sa kanilang malakas na impluwensya di lamang sa larangan ng musika pati na rin sa pamamahagi nila ng sosyal at politikal na kaalaman. At sila ay nabuo para lamang isulong ang orihinal na musika ng mga Pilipino.

Last March 8, nagkaroon ng soft launching ang tatlong maria para sa kanilang debut album na pinamagatang Tres Marias. Bilang pagdiwang na din sa Araw ng mga Kababaihan. Ang isa pa sa kanilang mga pinaglalaban ay ang estado ng mga kababaihan sa panahon ngayon sa pamamagitan ng kanilang musika. 

"Bakit nga ba mayroong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora. Na di umasa sa luha't awa, sila'y nagsipaghawak ng sandata, nakipaglaban, ang mithiin ay lumaya!"

Tunay nga namang hindi naiiba ang Tres Marias sa tatlong kababaihang nabanggit sa isang linya ng kinanta nila. Dahil sa tema at ganda ng kanilang mga awitin, talaga namang naipamamamalas nila ang kagandahan ng musikang gawang Pinoy lalo na't sa panahon ngayon ay mas nabibigyang pansin na ang musika ng mga banyaga. 

Sila ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong sumuporta sakanila upang mabuo ang kanialang album. At kami ay nakikidamay sa pagsulong ng mga musika na sariling atin. Mabuhay ang OPM!

Panoorin ang buong interview ng MYXPh sa Tres Marias!
 

Para makita ang iba pa nilang pictures, click HERE!

Anong masasabi niyo dito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS