ARTICLE

Pinoy Songwriters Nagsama-Sama Sa "Awit Ng Pag-Hilom" Album Para Sa Yolanda Survivors!


Tuloy pa rin ang pagbuhos ng tulong mula sa ating mga OPM artists para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Nagsama-sama ang ilan sa mga Pinoy songwriters and musicians mula sa Elements Music Camp para mabuo ang album na "Awit Ng Pag-Hilom."

Ang Elements Music Camp ay isang songwriting camp kung saan hinuhubog nito ang talento ng mga Filipino songwriters.

Ayon sa Artistic Director ng Elements Music Camp na si Mr. Ryan Cayabyab, "The highlight of every camp for the past 4 years has always been the performance of original compositions created by the campers under the guidance of their mentors."

Ang nasabing album ay naglalaman ng mga inspiring songs na isinulat mismo ng campers sa tulong ng kanilang mga mentors tulad nina Joey Ayala, Gabby Alipe ng Urbandub, Jimmy Antiporda, Ogie Alcasid, Noel Cabangon, Jay Contreras ng Kamikazee, Ebe Dancel, Aia De Leon, Jay Durias, Gloc-9, Raimund Marasigan, Jungee Marcelo, Armi Millare ng Up Dharma Down, Jazz Nicolas ng Itchyworms, Jim Paredes, Quest at Rey Valera.

"Nagsama-sama ang 60 campers at 24 mentors to produce this album to benefit the children of the Yolanda storm victims," sabi ni Mr. Ryan Cayabyab sa aming short interview sa kanya.

Ito ay magiging contribution sa rehabilitation effort para sa mga nasalanta ng bagyo. "We plan to purchase solar lamps, rebuild the sari-sari stores and also trying to help build the houses," dagdag pa niya.

I-click ang video sa ibaba at panoorin ang kwento ng ilang mentors tungkol sa pagbuo ng "Awit Ng Pag-Hilom":


All proceeds of "Awit Ng Pag-Hilom" will benefit the survivors of Typhoon Yolanda. Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin lamang ang official Facebook page ng Elements Music Camp.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS