ARTICLE

Yo Yo Yo! Vote Now For Your FAVORITE URBAN VIDEO Nominees! #MYXMusicAwards


Nasa kamay mo ang kapalaran ng mga urban videos na ito! Who will have your vote?

1. "Hagdan" - Ron Henley feat. Kat Agarrado


Naging maganda ang pag-hakbang ni Ron Henley paakyat ng hagdan noong 2013. Nai-release niya ang hit song niyang "Hagdan" na hango sa kwento ng kanyang totoong buhay. 

Marami rin ang naka-relate sa kantang ito kaya naman nakapasok din ang "Hagdan" sa MYX charts.

Panoorin ang music video nito sa ibaba na mayroong 5.6 million views:


Director: Patrick Edward Raymundo

2. "Ilusyon" - Abra feat. Jaq Dionisio


Matapos ang success ng kanyang hit na "Gayuma" noong 2012 ay ni-release naman ng rapper na si Abra ang socio-political single niyang "Ilusyon."

Matapang ang atake ni Abra sa kantang ito na tinatalakay ang iba't-ibang isyu na hinaharap ng ating bansa.

Panooring ang music video nito sa ibaba na mayroong 3.5 million views:


Director: Raymond "Abra" Abracosa

3. "Magda" - Gloc-9 feat. Rico Blanco


Social awareness naman ang nais ipahatid ni Gloc-9 sa kantang "Magda," kung saan kasama rin niya si Rico Blanco.

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang dahilan nang pagsulat nito, sabi ni Gloc: "Una, to create awareness pero if it will help to stop or lessen (prostitution) mas mabuti. Ayoko naman po masyado maging preachy sa kanta ko. Nasa sa tao po mismo ang pagbabago."

Panoorin ang music video ng "Magda" sa ibaba na mayroong 2.4 million views:


Director: J. Pacena II

4. "Saludo" - Quest


Isang awit na para sa mga Pilipinong patuloy na inaabot ang kanilang mga pangarap, patuloy na ipinaglalaban ang kanilang pinaniniwalaan, at sa mga Pilipinong nirerepresenta ang bansang Pilipinas sa iba't-ibang larangan, naging tema natin ang "Saludo" na ni-release ni Quest noong 2013.

Panoorin ang music video ng "Saludo" sa ibaba na mayroong mahigit 300,000 views:


Director: James Muleta

5. "Tonight" - Jay-R & Mica Javier


"Tonight" is Jay-R's collaboration with singer Mica Javier. During a MYXclusive interview, we had the chance to ask Jay-R the story behind this music video:

"We made it really sexy. Lately I've been doing these really really safe music videos. So we wanted to do something unsafe," he said.

Watch the music video for "Tonight" below:


Director: Romson Niega

To vote, go to myxph.com/myxmusicawards. You can also vote via Facebook through the MYX Music Awards 2014 app, or vote via Twitter by tweeting the codes found here.

Voting for all categories is not required. You can only vote ONCE PER DAY PER CATEGORY PER PLATFORM.

Voting ends on March 23, 2014 at 11:59PM!

The MYX Music Awards will be on March 26, 2014 with live telecast on the MYX channel on cable or you can watch it via livestream here on MYXph.com!

Who do you think will win the Favorite Urban Video category? Feel free to leave your comments below! 

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS