ARTICLE

"Hello Philippines!" RACHELLE ANN GO Posts A Selfie With The Cast of Miss Saigon 2014!

Photo from Rachelle Ann Go's Instagram account.

Noong March 6 ay lumipad na patungong London ang singer na si Rachelle Ann Go para simulan ang kanyang adventures sa West End revival ng Miss Saigon.

Sa kanyang Instagram account ay consistent ang pag-update ni Rachelle Ann sa kanyang mga fans sa pag-post niya ng iba't-ibang photos at videos na ginagamitan niya ng  hashtag na #TheSaigonDiaryOfRachelle.

Sa latest photo niya ay pinost ni Rachelle Ann ang isang selfie kasama ang cast ng Miss Saigon, na as of writing ay mayroong mahigit 2,300 likes! Tingnan ang photo na ito sa ibaba:

"Day 5!!! Hello Philippines from the cast of Miss Saigon 2014 :) #thesaigondiaryofrachelle"

Sa May 3 ay magsisimula na ang West End revival ng Miss Saigon kung saan gagampanan ni Rachelle Ann ang role na "Gigi."

Patuloy lang ang pagsubaybay sa #TheSaigonDiaryOfRachelle!

Send your messages to Rachelle Ann Go by leaving your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS