ARTICLE

Mag-Senti Muna Tayo With Your Favorite Mellow Video Nominees! #MYXMusicAwards


Love is the most complicated feeling someone could ever have.

Na-inlove ka na ba and felt like you were on cloud nine? Na-heartbroken ka na ba to the point na feeling mo hindi ka na magiging masaya muli? Na-status mo ba sa Facebook or naitweet ang mga lyrics na tumatama sayo? 

For sure, ilan sa mga kantang ito ang naging theme song mo for quite some time in your life.

1. "Help Me Get Over" - Jonalyn Viray


For those who have loved and lost, para sa mga hindi pa rin makalimutan ang masakit na nakaraan, heto ang awit ni Jonalyn Viray para sa inyo.

Dito ka ba nakaka-relate? Kung oo, boto na!

Panoorin ang music video nito sa ibaba:


Director: Cesar Apolinario

2. "Luna" - Up Dharma Down


Ang second single ng Up Dharma Down na "Luna" ay galing sa latest album nila na "Capacities."

Noong 2013 ay nakuha ng "Luna" ang No. 1 spot sa Pinoy MYX Countdown at isa rin ito sa mga kantang maraming fans ang nakakarelate.

Panoorin ang music video nito sa ibaba:


Directors: Nic Reyes & Pong Ignacio

3. "Magkabilang Mundo" - Jireh Lim


Malayo ba kayo sa piling ng isa't isa ng mahal mo? Ito naman ang theme song para sa inyo ni Jireh Lim!

Sa tunay na pagmamahalan, hindi dapat maging hadlang ang "thousand miles apart" sa inyong dalawa.

Nakaka-relate ka ba? Panoorin ang music video nito sa ibaba:


Director: Joyce Bernal

4. "Pansamantala" - Callalily


Shoulder to cry on ka ba ng bestfriend mo tuwing may problema sila ng mahal niya?

Kung nakikita mo ang sarili mo sa kwento ng "Pansamantala" ng Callalily, iboto mo na ito para sa Favorite Mellow Video category!

Panoorin ang music video nito sa ibaba:


Director: Kean Cipriano

5. Take A Chance - Luigi D'Avola


"Take A Chance" ang unang single ng young musician ni Luigi D'Avola. Tungkol ito sa isang tao na nagmamahal sa isang takot umibig muli matapos masaktan.

Ito ba ang kwento ng puso mo ngayon?

Panoorin ang music video nito sa ibaba:


Director: Enzo Valdez

To vote, go to myxph.com/myxmusicawards. You can also vote via Facebook through the MYX Music Awards 2014 app, or vote via Twitter by tweeting the codes found here.

Voting for all categories is not required. You can only vote ONCE PER DAY PER CATEGORY PER PLATFORM.

Voting ends on March 23, 2014 at 11:59PM!

The MYX Music Awards will be on March 26, 2014 with live telecast on the MYX channel on cable or you can watch it via livestream here on MYXph.com!

Who do you think will win the Favorite Mellow Video category? Feel free to leave your comments below! 

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS