ARTICLE

Sino Ang Mag-Uuwi Ng Favorite Female Artist Award? Here are YOUR Nominees! #MYXMusicAwards


Nakakabighaning ganda at nakakabilib na talento ang hatid sa atin ng mga female artists na ito, pero sino sa kanila ang karapat-dapat na itanghal bilang Favorite Female Artist in this year's MYX Music Awards?

Heto ang mga nominado:

1. Jonalyn Viray


2013 nang i-release ni Jonalyn Viray ang single niyang "Help Me Get Over" na talaga namang marami ang naka-relate.

Nagamit din ito bilang theme song ng hit GMA teleserye na "My Husband's Lover." Bukod dito ay nakapasok din ang kantang ito ni Jonalyn sa MYX charts!

Makuha kaya ni Jonalyn ang titulo bilang Favorite Female Artist?

2. Zia Quizon


Last year naman ay nilabas ni Zia Quizon ang sophomore album niyang "A Little Bit Of Lovin'," kung saan kabilang ang singles niyang "Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo" at "Pasakalye."

2012 nang manalo si Zia for Favorite New Artist sa MYX Music Awards at noong 2013 naman ay akabilang siya sa mga nominado for Favorite Female Artist.

Makuha na kaya ni Zia this year ang award?

3. KZ Tandingan


After winning the first season of the X-Factor Philippines, KZ Tandingan is starting to make a name for herself in the local music scene.

She has released her self-titled debut album under Star Records in 2013, including the singles "Puro Laro" and "Un-Love You" and the Himig Handog P-Pop Love Songs 2013 3rd runner-up "Scared To Death."

4. Sarah Geronimo


Tuwang-tuwa ang fans ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo nang i-release ng singer ang kanyang latest album na "Expressions."

Kabilang sa nasabing album ang chart-topper na "Ikot-Ikot" na as of writing ay mayroon nang mahigit 3.5 million views ang music video nito.

Nabigo si Sarah G. last year nang hindi niya makuha ang award na ito. Makabawi kaya siya this time?

5. Yeng Constantino


Nakilala natin ang bagong Yeng Constantino nang i-release niya ang kanyang album na "Metamorphosis" noong 2013.

Sa album na ito nanggaling ang hit songs niyang "B.A.B.A.Y.," "Josephine," "Sandata" at "Chinito."

Three consecutive years nang nasa pangalan ni Yeng ang Favorite Female Artist ng MYX Music Awards. Maka-grand slam kaya siya this year?

To vote, go to myxph.com/myxmusicawards. You can also vote via Facebook through the MYX Music Awards 2014 app, or vote via Twitter by tweeting the codes found here.

Voting for all categories is not required. You can only vote ONCE PER DAY PER CATEGORY PER PLATFORM.

Voting ends on March 23, 2014 at 11:59PM!

The MYX Music Awards will be on March 26, 2014 with live telecast on the MYX channel on cable or you can watch it via livestream here on MYXph.com!

Who do you think will win the Favorite Female Artist category? Feel free to leave your comments below! 

Comments

X

  • ashyan181994

    posted 2 years ago

    SARAH GERONIMO!!!!!!....^-^

  • net_8

    posted 2 years ago

    go YENG!!

  • invisiblegurl

    posted 2 years ago

    sarah g!for the win...

  • Prince Kaiser Sone

    posted 2 years ago

    Yeng Constantino

  • carlorra

    posted 2 years ago

    Sarah Geronimo!!!

PHOTOS

VIDEOS