ARTICLE

"Believe And It Will Happen!" MAJA SALVADOR May Debut Album Na!


Pwede na talagang idagdag ang titulong "recording artist" sa pangalan ni Maja Salvador!

Isang pangarap na natupad para kay Maja ang paglabas ng kanyang debut album na pinamagatang "Believe" under Ivory Music & Video.

Ang nasabing album ay mayroong 8 tracks kabilang ang original composition ni Maja na "Buong Gabi" feat. Project Pinas, ang version niya ng original song ni Jaya na "Wala Na Bang Pag-Ibig," ang collaboration niya kasama ang rapper na si Abra na "Halika Na" at ang carrier single na "Dahan-Dahan."

"Finally, mai-share ko na po sa inyo talaga itong aking bagong talent na na-discover ko po sa aking sarili," sabi ni Maja sa aming MYXclusive interview sa kanya.

Nang tanungin namin siya kung bakit "Believe" ang napiling title ng kanyang album, sabi ni Maja: "Nagsimula itong taon na ito na may mga prayers ako, may wishes ako, may dreams ako na parang 'believe lang na this 2014 mangyayari.' Finally, kaka-believe ko, isa sa mga natupad itong album ko. Believe and it will happen talaga."

Panoorin ang interview namin kay Maja Salvador by clicking the video below:



Tracklist:

1. Kilig
2. Halika Na (feat. Abra)
3. Wala Na Bang Pag-Ibig
4. Dahan-Dahan
5. Urong-Sulong
6. Buong Gabi (feat. Project Pinas)

Bonus Tracks:

7. Kilig (Minus-One)
8. Dahan-Dahan (Minus-One)

Abangan niyo rin ang parating na music video ni Maja para sa single niyang "Dahan-Dahan" syempre dito lang sa MYX... SOON!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS